Ilang lugar sa Luzon maaaring makaranas ng brownout

ABS-CBN News

Posted at Apr 10 2019 01:59 PM

Pinaalalahanan ang mga konsumer na magtipid sa kuryente dahil sa posibilidad ng brownout sa ilang lugar sa Luzon. 

Ito ay matapos isailalim sa red alert ang Luzon power grid dahil sa manipis na reserba ng kuryente, ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP). 

Ang red alert ay nangangahulugan ng antas ng kakulangan ng kuryente, at maaaring makaranas ng brownout sa ilang lugar. 

Ayon sa NGCP, naka-red alert ang Luzon grid ng alas-11 ng umaga at nitong alas-2 hanggang alas-4 ng hapon ng Biyernes. 

 

Itataas naman sa yellow alert ang Luzon grid ng alas-12 ng tanghali hanggang ala-1 ng hapon, at alas-5 ng hapon at alas-7 ng gabi hanggang alas-9 ng gabi. 

Mayroong available capacity na 10,025 megawatts ang Luzon grid. Nasa 10,313 megawatts naman ang peak demand ng grid.

Dahil dito nanawagan ang NGCP na magtipid sa kuryente ang mga konsumer. -- May ulat ni Raya Capulong, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.