Higit P370-k halaga ng shabu, nasamsam sa Bacolod

Mark Salanga, ABS-CBN News

Posted at Apr 10 2019 09:06 AM

Walong malalaking sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga umano ng P370,000 ang nasamsam mula sa mag-asawang suspek sa Bacolod City

BACOLOD CITY – Tinatayang P370,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam ng awtoridad mula sa mag-asawang suspek sa isinagawang buy-bust operation nitong Martes ng gabi sa Barangay 27.

Ginawa ng awtoridad ang buy-bust operation sa bahay mismo ng mag-asawa kung saan nakuha sa kanila ang 8 malalaking sachets ng hinihinalang shabu.

Ayon sa awtoridad, high value target ang lalaki dahil bagong laya ito. Droga din ang sanhi ng pagkakakulong nito.

Kasong paglabag ng Comprehensive Dangerous Drugs Act ang kahaharapin ng mag-asawang suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.