5 tiklo sa QC buy-bust

ABS-CBN News

Posted at Apr 10 2019 03:36 AM

MAYNILA - Timbog ang 5 katao sa buy-bust operation sa isang apartelle sa North Fairview, Quezon City Miyerkoles ng madaling-araw.

Nakuha sa kanila ang mahigit 20 sachet ng hinihinalang shabu na may halagang P27,200.

Ayon sa Quezon City Police District (QCPD) Station 8, ibinibenta umano ang droga sa mga spa at bingo center.

Unang nahuli ang isang lalaking suspek sa labas ng apartelle at itinuro niya ang iba pa na naka-check-in sa loob.

Nadatnan ng mga pulis sa kuwarto ang 2 babae at 2 menor de edad. Hindi naman gumagamit ang 4 nang mahuli.

Itinanggi ng mga suspek na nagtutulak at gumagamit sila. May bigla lang umanong nagdala ng droga roon.

Dati nang nakulong sa droga ang 2 sa mga suspek pero nakalaya dahil sa plea bargaining. - Ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.