2 timbog sa buy-bust sa Davao City

Berchan Louie Angchay, ABS-CBN News

Posted at Apr 10 2019 11:10 AM

Hindi na nakapalag pa ang 49-anyos na drug suspek na nahuli sa isinagawang buy-bust operation sa Davao City. Larawan mula sa Talomo Police

DAVAO CITY – Dalawang lalaki ang inaresto habang isang menor de edad naman ang nasagip sa magkahiwalay na buy-bust operation sa lungsod.

Unang nahuli ang isang 49-anyos na lalaki sa Purok 13, Seaside, Barangay Bago Aplaya, Martes ng umaga.

Bukod sa isang sachet ng hinihinalang shabu na nakuha sa buy-bust, dalawa pang sachet na nagkakahalaga ng P50,000 ang nasamsam sa kaniya.

Dating drug surrenderer ang target sa operasyon na namonitor na bumalik sa iligal na gawain.

Samantala, timbog din ang isa pang lalaki at na-rescue naman ang 17-taong gulang na si alyas 'Calvin' Miyerkules ng madaling araw sa Purok 7, Barangay 76-A, Bucana, Davao City.

Sa imbestigasyon ng Santa Ana Police, kinonsiderang street level pusher ang dalawa.

Mahaharap sila sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.