2 patay sa banggaan ng motorsiklo, pickup truck sa Misamis Oriental | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
2 patay sa banggaan ng motorsiklo, pickup truck sa Misamis Oriental

ABS-CBN News
Published Apr 10, 2019 05:46 PM PHT

Dalawa ang napatay sa salpukan ng motorsiklo at pickup truck sa lungsod ng El Salvador, Misamis Oriental noong gabi ng Martes, ayon sa pulisya.

Kinilala ng pulisya ang mga nasawi bilang sina Rodel Lamatucan, driver ng motorsiklo, at ang angkas nitong si Glicerio Baja.

Pauwi sa bayan ng Alubijid ang 2 nasawi nang mag-overtake sila sa kasunod na truck at bumangga sa kasalubong na pickup truck, ayon kay Police Master Sgt. Richard Britaña.

Walang suot na helmet ang mga nasawi nang mangyari ang aksidente.
Walang suot na helmet ang mga nasawi nang mangyari ang aksidente.
ADVERTISEMENT
Nasa kustodiya ng El Salvador City police ang driver ng pickup na nagpakilalang tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology.

Tumangging magbigay ng pahayag ang driver ng pickup truck pero nakipag-usap na umano siya sa kaanak ng mga nasawi na handa raw niyang tulungan sa mga gastusin sa pagpapalibing. --Ulat ni Joey Taguba Yecyec, ABS-CBN News