1 patay, 1 sugatan sa pananaksak sa Parañaque

Jerome Lantin, ABS-CBN News

Posted at Apr 10 2019 06:08 PM

MAYNILA - Isa ang patay at isa ang sugatan matapos manaksak ang isang lalaki sa Barangay San Isidro, Parañaque nitong Martes ng umaga. 

Patay si Danilo Roda, 52, habang sugatan si Julia Leopoldo, 21.

Base sa imbestigasyon, may dati nang alitan ang mga biktima sa suspek na si Roberto Franciso.

Kaya nang magkasalubong sila sa eskinita ng Sitio Nazareth, bigla na lang umanong inundayan ng saksak ang mga biktima. 

Agad naman nagsagawa ng nahabol ng pulisya si Francisco. 

Nakuha sa suspek ang isang ice pick, double sided na patalim at isang kalibre .45 na baril.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.