SAPUL SA CCTV: Simbahan ninakawan sa Puerto Princesa

ABS-CBN News

Posted at Apr 10 2018 07:05 PM | Updated as of Jan 26 2019 12:04 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

Nakuhanan sa CCTV ang pagnanakaw ng incense boat o lalagyan ng insenso sa Immaculate Conception Cathedral sa Puerto Princesa City noon mismong Easter Sunday.
    
Sa video, makikita ang pagpasok ng isang motorcycle rider sa maliit na pinto ng simbahan.
    
Agad itong dumiretso sa altar at humawak pa sa krus bago dumiretso sa kinalalagyan ng tabernakulo.
    
Mistulang lumuhod at nagdasal pa ang lalaki bago sumaglit sa likod at lumabas bitbit ang incense boat na posible umanong napagkamalang ginto.
 
Aminado ang guwardiya na hindi niya namalayan ang pagpasok ng kawatan.

Para naman sa simbahan, hindi maaaring husgahan ang lalaking kumuha sa incense boat dahil baka may pinagdadaanan lang ito.

Nanawagan din ang pulisya na i-report sa kanila kung sino man ang nakakakilala sa nagnakaw sa simbahan.
 
--Ulat ni Lynette Dela Cruz, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.