Mga residente ng Boracay, dumagsa sa barangay hall para kumuha ng ID

Joyce Ann Clavecillas, ABS-CBN News

Posted at Apr 10 2018 04:56 PM

 

BORACAY ISLAND, Aklan - Halos 100 residente ang dumagsa sa barangay hall ng Balabag Martes ng umaga upang makakuha ng ID na magpapatunay na sila ay naninirahan dito sa isla bago ito isara sa mga turista.

Ang mga barangay or residential ID ay kinakilangan upang makapasok sa isla mula Abril 26 hanggang Oktubre, habang isinasagawa ang rehabilitasyon ng isla.

Nagrereklamo ang ilang residente dahil hanggang 70 ID lamang ang maaring ibigay ng barangay kada araw.

 

Giit ni Elca Rones, isa sa mga nangangasiwa sa pag-iissue ng ID, gumagawa na ng paraan ang barangay upang mas maraming maipamahagi sa mga darating na araw.

Nagdesisyon ang pamahalaan na pansamantalang isara ang Boracay noong nakaraang linggo upang isaayos at linisin ang isla na napinsala ng polusyon at mga istraktura na lumabag sa mga batas na pangkalikasan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.