2 sugatan sa bakbakan ng militar at BIFF sa Maguindanao

Lore Mae L. Andong, ABS-CBN News

Posted at Apr 10 2018 01:15 PM | Updated as of Jan 25 2019 03:42 PM

MAGUINDANAO, Philippines - Dalawang sundalo ang sugatan sa engkuwentro sa pagitan ng militar at mga kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF), nitong Lunes.

Ayon sa militar, nagtamo lamang ng minor injuries ang 2 ‘di na pinangalanan pang mga sundalo.

Nagsagawa umano ang 601st Infantry Brigade ng clearing operation kahapon, partikular na sa Barangay Kitango sa Datu Saudi Ampatuan matapos na makatanggap ng mga ulat hinggil sa presensiya ng BIFF sa lugar.

Una na nilang naka-engkuwentro ang 7 BIFF members. 

Natumbok din ng mga sundalo ang pagawaan ng armas ng ISIS-inspired group na Jamaatul Muhajireen Wal Ansar na grupo ni Abo Turayfie na dati rin miyembro ng BIFF sa Barangay Pagatin sa Datu Salibo.

Base sa record ng local government ng Datu Saudi Ampatuan, 405 pamilya naman ang naapektuhan ng bakbakan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.