Screenshot mula sa video ni Chie Manese
Ibinalik ang tradisyon ng pagpapasabog ng effigy ni Judas Iscariot ngayong Easter Sunday sa bayan ng Santo Tomas, Pampanga.
Bago mag-alas-12 ng tanghali, nakatayo na ang effigy sa open grounds ng St. Thomas the Apostle Parish. Pinaikot-ikot muna ng ilang segundo ang effigy bago pinasabugan.
"Masaya kasi after [3] years of pandemic, natuloy ulit kasi every year nating inaabangan 'yong ganitong tradisyon. At last natuloy ulit kaya masaya," sabi ng residenteng si Chie Manese.
Video courtesy of Chie Manese.
Ayon sa mga residente, ang effigy ni Judas ay kumakatawan sa 7 capital sins.
"Nagre-represent 'yon doon sa mga capital sins, sinusunog natin 'yong matandang sarili upang maisilang muli ang bagong buhay ng isang tunay na Kristiyano," sabi ni Irwin Nucom, parishioner sa St. Thomas the Apostle Parish.
Ilang taon nang tradisyon dito sa Sto. Tomas ang pagpapasabog o mas kilala bilang "Pakbung Hudas." Natigil lang ito nang 3 taon dahil sa pandemya.
— Ulat ni Gracie Rutao
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.