MANILA — Hindi na nakauwi mula sa inuman ang isang lalaki sa Barangay Bagong Silang sa Caloocan City matapos siyang pagbabarilin nitong Sabado ng gabi.
Ayon sa pinsan ng biktima, katatapos lang ng kanilang inuman session sa labas ng kanyang bahay kaya umuwi na ang biktima.
Dito na dumating ang isang hindi pa nahuhuling suspek at binaril umano sa mukha ang biktima kaya agad itong nasawi.
Kinakausap na ngayon ng pulisya ang pamangkin ng biktima na siyang nakasaksi sa buong pangyayari mula sa bintana ng kanilang bahay.
Ayon sa Caloocan City Police, nakilala ng witness ang suspek na isa ring residente ng kanilang barangay.
Patuloy pang hinahanap ng mga awtoridad ang suspek.
Pero ang suspetya nila, nagbunga ang krimen mula sa dati na umanong alitan nito at ng biktima.
—Ulat ni Andrea Taguines, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.