PatrolPH

Sugatang barn owl nasagip ng 7-anyos sa Capiz

ABS-CBN News

Posted at Apr 09 2022 02:51 PM

Isang sugatang Barn-owl ang nailigtas ng isang 7-anyos na lalaki na si Jivince Cerado ng Barangay Intampilan, bayan ng Panitan, Capiz, Sabado ng umaga, April 9, 2022. Courtesy of Capiz Environment and Natural Resources Office. 

Sinagip ng isang 7-anyos ang isang sugatang barn owl sa Barangay Intampilan, bayan ng Panitan, Capiz, Sabado ng umaga.

Batay sa mga kuha ng Capiz Environment and Natural Resources Office, makikita sa hawla ang barn owl, na nakitaan ng sugat sa kanang mata. 

May mga bukol din sa katawan ang barn-owl. 

Kaagad na ibinigay ng pamilya ni Jivince Cerado sa ahensiya para maalagaan at magamot ang ibon.

Nakatakdang ibalik ng mga awtoridad sa kanyang natural na tahanan ang barn owl kapag magaling na ito. – Ulat ni Rolen Escaniel

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.