PatrolPH

Ilang terminal siksikan na bago ang Semana Santa

ABS-CBN News

Posted at Apr 09 2022 07:04 PM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA - Siksikan na sa pasahero ang ilang pantalan at terminal ilang araw bago ang Semana Santa. 

Alas-4 pa lang ng hapon ng Sabadoa ay halos fully-booked na ang mga bus na biyaheng pa-Bicol sa Paranaque Integrated Terminal Exchange. 

Kabilang sa mga uuwi ngayong Semana Santa si Mark Doctor na kasama ang maliit na anak. 

Kampante naman siya dahil bakunado silang karamihan. 

"Sa ngayon naman parang hindi na ganyan kalaki yung volume ng mga cases, kampante naman kami kasi marami na ang vaccinated," ani Doctor. 

Inaasahan ng pamunuan ng PITX ang pagdagsa ng mga pasahero. 

Maya't maya rin ang dating ng mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport-Terminal 3. 

Inaasahan na nang pamunuan ng NAIA ang pagdagsa ng pasahero lalo't ibinaba ang alert levels sa karamihan ng lugar sa bansa. 

Nagdagdag na rin ng flights ang ilang local airlines hanggang Mayo. 

-- Ulat ni Jose Carretero, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.