Dahil sa umapaw na ilog, patay inihatid sakay ng balsa

ABS-CBN News

Posted at Apr 09 2022 06:25 PM

 

Isinakay sa balsa ang isang kabaong na pinagtulungang itawid para ihatid sa huling hantungan ang isang yumaong residente Sabado ng umaga sa Baggao, Cagayan.

Naganap ang pagtawid sa gitna ng rumaragasa at mataas na lebel ng tubig sa ilog sa Zone 7, Sitio Marus, Hacienda Intal.

Ayon sa pamangkin ng yumao na si May-ann Sales ay walang ibang daanan kaya napilitan suungin ng kanyang mga kamag-anak ang ilog para maitawid ang yumao.

Malakas din ang ulan sa mga oras na 'yun.

Ayon sa PAGASA, Northeasterly Surface Windflow ang mga nagpaulan sa Cagayan sa mga nakaraang araw.

NItong Sabado ng hapon naman ma-araw na sa lugar.- Grace Alba