3 lalaking sangkot umano sa nakawan sa mga gas station sa Digos tiklo

ABS-CBN News

Posted at Apr 09 2021 05:44 AM | Updated as of Apr 09 2021 06:03 AM

Timbog sa hot pursuit operation ng mga awtoridad Miyerkoles ng hapon ang 3 lalaking sangkot umano sa isang insidente ng pagnanakaw sa isang gasoline station sa Digos City, Davao Del Sur.

Inaresto sa Purok Sambag, Sitio Power, Barangay Tres De Mayo ang 3 lalaki na ayon sa pulisya ay nanloob at nagnakaw sa V8 Gasoline Station sa Aurora corner Magsaysay St., Barangay Zone 3.

Sangkot din umano sa maraming insidente ng pagnanakaw sa iba't ibang gasoline station sa Digos ang 3 suspek na ayon sa pulisya ay mga miyembro rin ng Saga criminal gang.

Nakuha mula sa kanila ang 5 sachet ng hinihinalang shabu, 1 granada, 1 .38 revolver, at 1 homemade .357 revolver.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang mga suspek at inihahanda na ang mga kasong isasampa laban sa kanila. — Ulat ni Hernel Tocmo

MULA SA ARKIBO

Watch more in iWantTFC
 
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.