7 tiklo sa Quezon City drug bust

ABS-CBN News

Posted at Apr 09 2020 11:40 AM

Retrato mula sa National Capital Region Police Office

Arestado noong Miyerkoles ang 7 katao sa buy-bust operation sa Quezon City, kung saan nakumpiska ang P170,000 halaga ng hinihinalang shabu.

Matapos bentahan ng hinihinalang shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer, dinampot ng mga awtoridad ang 7 suspek na may mga edad 20 hanggang 57, ayon sa ulat mula sa National Capital Region Police Office.

Nangyari ang operasyon bandang alas-11 ng gabi sa may San Ignacio Street sa Barangay Gulod, Novaliches, ayon sa pulisya.

Kabilang umano sa nakumpiska sa mga suspek ang 11 sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na 25 gramo, buy-bust money, isang cellphone, at isang tablet (device).

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, sabi ng pulisya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.