Pick-up truck sumalpok sa parlor sa Iloilo; 10 sugatan

ABS-CBN News

Posted at Apr 09 2019 03:02 PM | Updated as of Apr 09 2019 10:38 PM

Watch more in iWantTFC

Sampu ang sugatan matapos sumalpok ang isang pick-up truck sa isang parlor sa San Miguel, Iloilo noong Lunes. 

Ayon sa kuha ng CCTV, nakikita na tila nahihirapan sa pagmamaniobra ang nagmamaneho na si Marites Bongol at nagtagal pa ito bago napaandar ang sasakyan. 

Pero nang umabante ito ay dumeretso sa isang parlor ang sasakyan, na ikinasugat ng may-ari ng parlor at ng 10 anyos nitong anak, pati na ang ilang empleyado at kostumer. 

Ayon sa isang nakasaksing ng beautician na si Ryan Villaruel, tila hindi makapagdesisyon ang drayber kung aling pedal ang tatapakan nang nagpa-park ng sasakyan. 

Maya-maya ay bumangga sa entrance ang sasakyan at sumalpok sa waiting area ng salon. 

Napag-alaman sa imbestigasyon na dalawang buwan pa lang nagmamaneho si Bongol. 

Dalawang buwan lang din ang ginagamit niyang sasakyan. 

Kasalukuyang nakapiit si Bongol habang inaantay ang pagsampa ng kaso sa kaniya. 

-- Ulat ni Bea Zaragosa, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.