Grade 8 student timbog sa droga sa Cebu

ABS-CBN News

Posted at Apr 09 2019 06:19 PM

CEBU CITY—Arestado ang 16-anyos na Grade 8 student matapos makuhanan ng P4.8 milyong halaga ng shabu sa lungsod na ito Lunes ng gabi.

Ayon kay Police Lt. Col. Glen Mayam, hepe ng Drug Enforcement Group, lumabas ang pangalan ng 16-anyos na lalaki sa mga testimoniya ng kanilang mga nadakip sa mga operasyon kontra droga.

Base sa profiling ng pulisya, ginagamit lang umano ng isang drug group ang binatilyo bilang carrier ng mga droga.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.