Endorsement ni Pacquiao 'malaking bagay,' ayon kay Enrile

Jay Dayupay, ABS-CBN News

Posted at Apr 09 2019 11:30 AM | Updated as of Apr 09 2019 10:43 PM

Itinaas ni Senador Manny Pacquiao ang kamay ni Juan Ponce Enrile bilang pagsuporta sa kandidatura ng dating Senate president. Jay Dayupay, ABS-CBN News

GENERAL SANTOS CITY - Nagpasalamat si dating senador Juan Ponce Enrile sa ginawang pag-endorso sa kaniyang kandidatura ni Senador Manny Pacquiao.

"Malaking bagay para sa akin ito, he is a leader here and he is our hero," sabi ni Enrile na dating Senate president sa kaniyang pagdalaw kay Pacquiao sa General Santos City.

Sa pagtaas ng kamay ni Enrile, kasamang tiniyak dito ni Pacquiao ang suporta ng kanilang political party.

"Our local political party, People’s Champ Movement in GenSan, Sarangani and South Cotabato will support Senator Enrile para maging Senador siya ulit," pahayag ni Pacquiao.

Watch more in iWant or TFC.tv

Pagkatapos makipagkita kay Pacquiao sa General Santos City, tutulak naman ang 95-anyos na si Enrile papuntang Davao City para mangampanya din doon.

Tumatakbo si Enrile sa ilalim ng Pwersa ng Masang Pilipino party ni dating pangulo na ngayon ay Manila Mayor Joseph Estrada.

Unang nahalal bilang senador si Enrile noong 1987 at na re-elect para sa ikalawang termino noong taong 1995. 

Taong 2004 naman nang muling tumakbo si Enrile para sa ikatlong Senate term at na re-elect naman para sa ikaapat na termino noong 2010.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.