ALAMIN: Mga isasarang kalsada sa Intramuros sa Semana Santa

ABS-CBN News

Posted at Apr 09 2019 11:27 AM

 

Nag-abiso ang Department of Tourism na isasara ang ilang kalsada sa Intramuros, Maynila sa paparating na Semana Santa. 

Ayon sa DOT, isa ang Intramuros sa mga sentro ng taunang Holy Week activities, kung saan libo-libo ang inaasahang dadalo.

Isasara ang Gen. Luna Street at mga kalsadang nasa intersection nito gaya ng Real at Beaterio St. Bunsod ito ng mga gaganaping Stations of the Cross sa General Luna St. 

Bubuksan din sa publiko ang 9 na simbahan at chapel para sa Visita Iglesia kabilang ang Manila Cathedral, San Agustin Church, Pamantasan ng Lungsod ng Maynila Chapel, Mapua Chapel at Bureau of Internal Revenue (BIR) Chapel. 

Magsisilbi namang parking space ang Murrala St. at mga daan sa paligid ng Intramuros, kabilang na ang Padre Burgos Drive at Bonifacio Drive para.

Nagpaalala ang DOT na huwag mag-iiwan ng basura sa mga bibisitahing simbahan o parke at pumarada lang sa tamang lugar. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.