4 na sekyu na nagpaputok umano ng mga baril, arestado

ABS-CBN News

Posted at Apr 09 2019 05:39 AM

MAYNILA - Inaresto Linggo ng gabi ang 4 na security guard matapos umanong magpaputok ng mga baril sa isang bakanteng lote sa Barangay Old Balara, Quezon City.

Kasong alarm and scandal at paglabag sa election gun ban ang isinampa laban sa mga suspek.

Ayon sa pulisya, isinumbong ang 4 na security guard dahil sa pagpapaputok ng mga baril.

Walang naiulat na tinamaan pero nag-iinuman umano ang mga suspek nang mangyari ang insidente. Narekober sa kanila ang 2 shotgun at isang revolver. 

Itinanggi naman ng mga suspek ang insidente at sinabing napagbintangan lang umano sila. Nagnegatibo sila sa alcohol test at handang sumailalim sa paraffin test. - Ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.