Idinawit sa 'sextortion' napag-alamang lalaki matapos maaresto

ABS-CBN News

Posted at Apr 09 2018 07:11 PM | Updated as of Jan 24 2019 02:16 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Naaresto nitong Lunes ang isang pulis at ang dalawa niyang kasamahan matapos mangikil sa isang lalaki sa Maynila.

Nahuli sa isang entrapment operation sina Police Officer 1 Christopher Escreza at ang transgender na si Rommel "Jianna" Cruz.

Nagsimula ito nang magkasundo sina Cruz at ang biktimang nagpakilala bilang doktor sa halagang P2,000 kapalit ng paglahok sa seksuwal na aktibidad.

Pero umakyat sa P10,000 ang hininging halaga nina Cruz at Escreza. Kapalit daw nito ang hindi nila pagsampa ng kasong rape sa umano'y doktor. 

Inaresto rin ang isa pa nilang kasabwat na si Justine Bautista.

Nang maaresto lang ng pulisya natuklasan ng biktima na hindi pala isang tunay na babae si Cruz.

Itinanggi naman ng mga suspek na nangikil sila sa biktima.

Sinampahan na ng kasong robbery at extortion ang mga nahuli. Nahaharap din si Escreza sa kasong administratibo. -- Ulat ni Jasmin Romero, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.