High-value target sa ilegal na droga arestado sa Cebu

Edgar Escalante, ABS-CBN News

Posted at Apr 09 2018 04:02 PM

TALISAY CITY, Cebu - Arestado sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Tangke, Talisay City sa Cebu ang isang level 2 high-value target na si Elmer Macarambon Lunes ng umaga.

Mayroon ding warrant of arrest sa kasong pagbebenta ng ilegal na droga si Macarambon, na kilala rin sa alyas na Welmer Oca.

Aabot sa P562,000 na halaga ng hinihinalang shabu ang nakuha mula sa suspek.

Ayon sa Talisay City Police, subject si Macarambon sa Oplan Silhig ng pulisya noong nakaraang linggo ngunit nakatakas ito.

Arestado rin ang isang tindera ng pagkain sa isa pang buy-bust operation sa Barangay Tangke.

Nakuha mula sa kanya ang pitong sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P4 milyon.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.