Low pressure area papasok sa Philippine area of responsibility sa Linggo,: Pagasa

ABS-CBN News

Posted at Apr 08 2023 11:13 PM

via Pagasa

MAYNILA -- Inaasahang papasok ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Low Pressure Area (LPA) sa Linggo, ayon sa weather bureau Pagasa nitong Sabado.

Sa huling ulat ng Pagasa nitong alas-3 ng hapon, ang LPA ay nasa layong 1,360 km silangan ng Mindanao.

Tumataas ang tsansang maging bagyo ng LPA sa mga susunod na araw at kung sakali ay papangalanan itong Amang.

Sa taya ng Pagasa, kikilos ang LPA pa-hilagang kanluran palapit sa Southern Luzon bago lumiko pabalik sa Pasipiko sa kalagitnaan ng susunod na linggo.

Nagdadala na ng mga pag-ulan ang trough o extension ng LPA sa silangang bahagi ng Southern Luzon, Visayas, at Mindanao.

KAUGNAY NA VIDEO

Watch more News on iWantTFC