PatrolPH

COVID-19 vaccination program ng bansa naging mahina: eksperto

ABS-CBN News

Posted at Apr 08 2022 03:57 AM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA – Mahina ang naging COVID-19 vaccination program ng gobyerno, saad ng isang eksperto.

Ayon kay Dr. Jamie Dasmariñas, physician representative ng Bantay Bakuna, kulang sa data transparency ang gobyerno pagdating sa vaccine program dahil walang real-time numbers ng data ang bansa pagdating sa mga nabakunahan.

Hindi na rin naabot umano ang 60 percent target population ang pagbabakuna ng gobyerno kahit paulit ulit ang "national vaccination day" sa bansa.

Mas nabibigyan ng hindi tamang impormasyon ang mga tao umano pagdating sa pagbabakuna kaya't kailangan ay mabigyan ng pansin na mailapit sa mga tao ang vaccination. – SRO, TeleRadyo, Abril 7, 2022

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.