No. 6 most wanted ng Davao del Sur timbog

ABS-CBN News

Posted at Apr 08 2021 02:33 PM

DAVAO CITY - Arestado nitong Miyerkoles ang ikaanim na most wanted person sa Davao del Sur na sangkot umano sa mga kaso ng pagnanakaw at pagpatay.

Sa bisa ng warrant of arrest, hinuli ng mga pulis si Mark Kenneth Gomez, 26 anyos, sa bayan ng Kitaotao, Bukidnon.

Nahaharap sa kasong 8 counts ng robbery at 2 counts ng murder ang suspek na dating nakatira sa bayan ng Hagonoy, Davao del Sur.

Ayon sa pulisya, nakatanggap sila ng impormasyon mula sa isang barangay chairman at ina ng suspek na gusto nang sumuko si Gomez.

Dati rin umanong miyembro ng New People's Army si Gomez, dagdag ng pulisya. Itinurnover na sa Digos City Police Station, Davao del Sur ang suspek. 

 KAUGNAY NA BALITA

Watch more in iWantTFC

- Ulat ni Hernel Tocmo

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.