Naaagnas na bangkay ng lalaki natagpuan sa ilog sa Iloilo

ABS-CBN News

Posted at Apr 08 2021 06:55 PM

ZARRAGA, Iloilo — Isang naaagnas na katawan ng isang lalaki ang natagpuang palutang-lutang sa ilog ng Barangay Talaugis sa bayan na ito nitong Huwebes.

Ayon sa mga awtoridad, isang residente na nakatira sa lugar ang nakakita sa bangkay.

Sa paunang imbestigasyon, sinabi ng pulisya na posibleng nalunod ang lalaki lalo't walan namang nakitang anumang sugat sa katawan nito.

Posible rin na ilang araw nang nalunod ang biktima dahil sa lumolobo at naaagnas na ang katawan nito.

Patuloy pa ang imbestigasyon at pagtukoy ng mga awtoridad sa pagkakakilanlan ng biktima.

—Ulat ni Rolen Escaniel

RELATED VIDEO:

Watch more in iWantTFC
Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.