Lineman ng telco company, patay matapos makuryente

ABS-CBN News

Posted at Apr 08 2021 11:28 PM

Patay ang isang lineman ng isang telecommunications company nang makuryente habang nagkakabit ng fiber wire sa Barangay Poblacion sa Sta. Barbara, Iloilo Huwebes ng gabi.

Kaagad na rumesponde ang mga awtoridad para makuha ang biktima na taga Iloilo City.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nagkakabit ng fiber line ang biktima nang aksidenteng mahawakan ang primary line ng kuryente.

Kaagad na dinala sa ospital ang biktima ngunit idineklara itong dead on arrival ng doktor.

- ulat ni Rolen Escaniel

RELATED VIDEO

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.