PatrolPH

Duterte, pinapabilis ang pagbabayad ng PhilHealth sa mga ospital

Joyce Balancio, ABS-CBN News

Posted at Apr 08 2021 08:07 PM

MAYNILA - Pinabibilis ni Pang. Rodrigo Duterte sa Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) ang pagtugon sa valid claims ng mga ospital, sabi ng kaniyang tagapagsalita ngayong Huwebes.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, bilang tugon dito, inaprubahan ng PhilHealth ang application ng isang Debit-Credit Payment Method para mapabilis ang settlement ng accounts sa health care facilities (HCF) sa panahon na nasa state of public health emergency ang bansa dahil sa COVID-19 pandemic. 

Magiging applicable ang ganitong payment scheme sa mga health care facilities sa mga lugar na tinukoy ng Inter-Agency Task Force at National Task Force, gaya ng National Capital Region, Batangas, Bulacan, Cavite, Laguna, Pampanga at Rizal.

Dapat aniya ay walang record ang HCFs ng interim Reimbursement Mechanism Fund balance, at dapat tuloy tuloy rin ang pagbibigay nila ng SARS-COV-2 testing package habang nag-aapply sa ganitong payment scheme. 

Sabi ni Roque, maglalabas ang PhilHealth ng karagdagang guidelines para dito. 

Sa ganitong paraan, sabi ni Roque, kumpiyansa ang Malacanang na magtutuloy tuloy ang paghahatid ng healthcare services sa piling mga lugar sa kabila ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19. 

RELATED VIDEO:

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.