PatrolPH

4 na babae nasagip sa 'sex den' sa Ilocos Norte

ABS-CBN News

Posted at Apr 08 2021 02:22 PM

ILOCOS NORTE - Nasagip ng mga awtoridad Miyerkoles ng hapon ang 4 na babae matapos salakayin ang isang hinihinalang sex den sa Barangay Lydia sa bayan ng Marcos.

Nahuli naman ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation sa lalawigan ang isang babaeng suspek.

Ayon kay Diosdado Araos, pinuno ng NBI-Ilocos Norte, ilang taon na umano ang operasyon ng sex den at napag-alaman ito ng awtoridad base sa impormasyon ng dating naging customer.

“Ang modus ay maghihintay ng tawag or text ang may-ari ng bahay sa mga customer nito. At kapag nakapagbayad na ng P1,500 ang customer, papasukin na ito sa loob ng kuwarto kasama ang biktima” aniya.

Mahaharap ang suspek sa reklamong paglabag sa Republic Act 10364 o Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2012.

Dadaan naman sa counseling ang mga nasagip na babae sa Provincial Social Welfare and Development Office. 

KAUGNAY NA ULAT MULA SA ARCHIVES

Watch more on iWantTFC

- Ulat ni Dianne Dy

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.