Pandesal sa ilang bakery sa Navotas ibinebenta nang P1 kada piraso

ABS-CBN News

Posted at Apr 08 2020 02:01 PM

Retrato mula sa Navotas LGU

Ibinebenta ng ilang bakery sa Navotas ang kanilang tindang pandesal sa halagang P1 kada piraso para makatulong sa mga residenteng naapektuhan ng Luzon lockdown, ayon sa opisyal mula sa lokal na pamahlaaan.

Ayon kay Jayne Banayad, executive assistant sa Navotas Mayor's Office, nakatanggap ang local government ng donasyong mga sako ng harina mula sa malalaking kompanya, na ipinamahagi sa higit 30 bakery sa lungsod.

Bukod sa bakeries, ilang graduate ng bread at pastry production course sa Navotas Training and Assessment Institute at volunteers naman ang gumagawa ng libreng pandesal para sa frontliners.

Isinailalim ang buong Luzon sa enhanced community quarantine hanggang katapusan ng Abril para mapabagal ang pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19).

Sa huling tala ng Department of Health, umabot na sa 3,764 ang bilang ng mga nagpopositibo sa sakit sa buong bansa.

-- Ulat ni Raya Capulong, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.