P1.5 milyong halaga ng hinihinalang shabu, nasabat sa Dumaguete City

Mark Salanga, ABS-CBN News

Posted at Apr 08 2020 09:29 PM

DUMAGUETE CITY, Negros Oriental - Aabot sa P1.5 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat sa isinagawang operasyong sa Barangay Manglanao sa Dumaguete City Miyerkoles ng hapon.

Ayon sa pulisya, 42 malalaking sachet na may bigat na 220 grams ang nakuha sa suspek.

Arestado ang high value target na suspek na haharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.