Ibinahagi mula gabi ng Martes ng ilang Bayan Patrollers ang kanilang mga kuhang retrato ng supermoon mula sa kani-kanilang lugar.
Ang supermoon ay isang uri ng "full moon" na mas malaki nang 14 porsiyento at mas maliwanag nang 30 porsiyento kaysa karaniwang full moon.
Nagpapakita umano ito kapag nag-orbit ang buwan malapit sa planetang Earth tuwing full phase.
Smartphone at external zoom lens ang gamit ng Bayan Patroller na si Rod Atilano sa Pasig City, bandang alas-7 ng gabi ng Martes.
Gamit naman ng digital compact camera, kinuhanan din ng Bayan Patroller na si Ackie Villareal ang supermoon sa Doña Imelda, Quezon City.
Hilig umano niya ang pagkuha ng mga larawan lalo na ang mga astronomical phenomenon tulad ng supermoon.
Gumamit naman ng DSLR at zoom lens si Bayan Patroller Alan Santiago para makunan ng retrato ang supermoon sa parehong siyudad.
Dalawang beses namang kinukunan ng retrato ni Bayan Patroller John Rovic Baylon ang buwan sa loob ng 13 minuto.
Una siyang kumuha ng retrato alas-5:47 ng hapon. Nakunan niya rin ito ng hiwalay pang retrato pasado alas-6 ng gabi.
Tanaw din sa probinsiya ang supermoon, gaya ng kuha ni Bayan Patroller Jayvie Madlangsakay sa Barangay Iba, Silang, Cavite.
Sa Pampanga, gumamit din ng digital campera ang Bayan Patroller na si Chukoy Bansil. Sa kuha niya sa Lubao, Pampanga, makikitang tila nagbabaga ang liwanag ng buwan.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog News, BMPM, Bayan Mo Ipatrol Mo, supermoon, moon, astronomy, province, supermoon Philippines, supermoon in Metro Manila, supermoon in Pampanga, supermoon in Cavite, supermoon in Rizal