Hindi na natapos ng lalaki ang kanyang penitensiya matapos siyang arestuhin ng mga pulis. Kuha ni Marj Lopez
Dinampot ng mga pulis ang isang lalaking nagpepenitensiya sa Madapdap resettlement, Mabalacat City, Pampanga nitong Lunes.
Pinagkaguluhan ang 19 anyos na lalaki ng mga ka-barrio niya habang nagpepenitensiya ito sa ilalim ng matinding sikat ng araw para sa Lunes Santo.
Hindi niya natapos ang kanyang penitensiya matapos siyang arestuhin ng mga pulis.
“Panata niya, nirespeto naman po namin 'yun, pero hindi sa panahon ng krisis na ganito. So kausapin po namin ang barangay... ang ano naman po nila ay willing silang mag-file ng complaint,” ani Police Lt. Col. Eduardo Guevarra, hepe ng Mabalacat City Police.
Bukod sa lalaking nagpenitensiya, dinampot din ng mga pulis ang lahat ng usisero't usisera na nakabuntot sa kanya.
Sa ipinatupad na enhanced community quarantine sa buong Luzon, mahigpit na ipinagbabawal ang paglabas sa kalsada nang walang pahintulot.
Naglabas na rin ng utos ang simbahan na kanselado ang lahat ng Lenten activities sa probinsya alinsunod sa Luzon lockdown.
“Kung gusto mong ituloy 'yan ay sa sarili mo na lang sigurong kuwarto. Obviously makaka-generate ito ng audience at maba-violate nga itong ipinatutupad nating quarantine protocols,” ani Police Col. Jean Fajardo, provincial director ng Pampanga Police Provincial Office.
Mahaharap sa kasong paglabag sa disobience to a person in authority ang mga nahuli.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Tagalog News, Regional News, penetensiya, Pampanga, Luzon lockdown, enhanced community quarantine, Lenten season