MANILA--Nakuha ng mga mangingisda ang 40 bloke ng cocaine na palutang-lutang sa karagatang sakop ng Burgos, Surigao del Norte nitong Linggo.
May markang “Bugatti” ang bawat bloke ng cocaine at ibinalot sa lambat na gula-gulanit na, ayon kay Caraga police chief Brig. Gen. Gilbert Cruz.
Kapareho aniya ang markings nito sa mga bloke ng cocaine na narekober noong Pebrero sa katabing bayan ng San Isidro, Surigao del Norte.
Halos P1 bilyon na ang halaga ng cocaine bricks na narekober sa mga dalampasigan sa silangang bahagi ng bansa mula noong Pebrero, ayon sa mga awtoridad.
[[ P1 BILYON -- https://news.abs-cbn.com/news/03/06/19/value-of-found-cocaine-bricks-in-ph-waters-nears-p900-m-police ]]
Posibleng ginagamit ng international drug syndicates ang Pilipinas bilang transshipment ng mga mamahaling droga, una nang sinabi ng pulisya at Philippine Drug Enforcement Agency.
-- May ulat nina Charmane Awitan, Zhander Cayabyab, at Maan Macapagal, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Tagalog news, war on drugs, cocaine bricks, regions, Surigao Del Norte, crime, drug smuggling, Bandila, Regional news