Pulis, nasangkot sa rumble sa Maynila

ABS-CBN News

Posted at Apr 08 2018 08:14 AM | Updated as of Apr 08 2018 06:56 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA - Isang pulis Mandaluyong ang nasangkot sa isang rumble sa Maynila kung saan nasugatan ang isang lalaki.

Nagtamo ng sugat sa mukha ang lalaking kinilalang si Romnick Mallari matapos magkagulo sa Batangas Line, San Andres Bukid, Sta. Ana, Maynila bandang 9:00 p.m. Sabado.

Ayon sa kaanak ng biktima, nakikipag-inuman i Mallari ng lapitan sya ng kapitbahay na si Roland Asistio para bentahan umano ng shabu. Tumanggi daw si Mallari kaya umalis si Asistio.

Pero bumalik daw si Asistio kasama ang kanyang kapatid na pulis na kinilalang si Mike Asistio at ang pinsan nila na si Josephine Asistio. Dito na raw nagkatensyon at nagkarambol.

Tinutukan din umano ng mga Asistio si Mallari ng baril.

Nagpunta naman sa barangay ang kampo ng mga Asistio para makipag-areglo, pero desididong magsampa ng kaso ang pamilya Mallari laban sa tatlo.

Kinumpirma naman ng Mandaluyong police na naka-assign sa Brgy. Hagdang Bato Libis sa PCP 1 ng Mandaluyong si Mike Asistio.

Pinaiimbestigahan na rin ng hepe ng Mandaluyong Police ang insidente. Pinagrereport na rin ang pulis na sangkot sa insidente.

-ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.