P375,000 'shabu' nakuha sa magkapatid sa Bacolod

ABS-CBN News

Posted at Apr 08 2018 10:11 AM | Updated as of Jan 21 2019 09:52 PM

BACOLOD, Negros Occidental - Nahulihan ng P375,000 na halaga ng hinihinalang shabu ang magkapatid na umano'y tulak-droga sa lungsod na ito, Sabado.

Nagtatrabaho ang babaeng suspek bilang manikurista, pero na-monitor siyang nagbebenta ng droga kasama ang kaniyang kuya, ayon kay Senior Insp. James Abaytar, hepe ng City Drug Enforcement Unit (CDEU).

Ikinukunsidera aniyang "street-level targets" ang magkapatid na naaresto sa buy-bust operation ng CDEU sa Barangay 35.

Ulat ni Mark Gabriel Salanga, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.