Lalaki patay matapos sunugin ang sariling bahay

ABS-CBN News

Posted at Apr 08 2018 12:42 PM

MANILA - Patay ang isang lalaki matapos umanong sunugin ang sariling bahay sa Tondo, Maynila ngayong Linggo. 

Sinilaban ng biktimang si "Kulot" ang ikalawang palapag ng kaniyang tahanan sa Barangay Gagalangin at dito rin natagpuan ang kaniyang bangkay, ayon kay si Senior Insp. Reden Alumno, hepe ng arson division ng Bureau of Fire Protection-Manila. 

Inaalam pa aniya mga imbestigador ang motibo ng panununog, bagamat nabanggit ng ilang residente na nagtangkang magpakamatay si Kulot at uminom ng asido bago ang insidente. 

Wala namang ibang nasaktan sa sunog na tumagal nang 15 minuto. 

Ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News 


Editor's note: 

Isang grupo sa Pilipinas ang umaalalay sa mga indibidwal na may suicidal tendencies. Layon ng crisis hotline ng Natasha Goulbourn Foundation na iparamdam sa mga naturang indibidwal na may handang makinig sa kanila. 

Narito ang mga hotline number ng grupo: 

Information and Crisis Intervention Center

(02) 804-HOPE (4673)
0917-558-HOPE (4673) or (632) 211-4550
0917-852-HOPE (4673) or (632) 964-6876
0917-842-HOPE (4673) or (632) 964-4084

In Touch Crisis Lines:

0917-572-HOPE or (632) 211-1305
(02) 893-7606 (24/7)
(02) 893-7603 (Mon-Fri, 9 am-5 pm)
Globe (63917) 800.1123 or (632) 506.7314
Sun (63922) 893.8944 or (632) 346.8776

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.