7 miyembro umano ng sindikatong nang-aangkin ng mga lote, arestado

Jervis Manahan, ABS-CBN News

Posted at Apr 08 2018 06:50 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA - Inaresto ng mga pulis ang 7 na umano'y miyembro ng sindikatong nang-aangkin ng lote sa Tondo, Maynila nitong Biyernes. 

Papunta na sana sa airport ang mga suspek nang abutan ng mga pulis sa isang bahay sa Barangay Gagalangin at silbihan ng search warrant. 

Nahanap ng mga pulis ang mga kwestyunableng blueprint at titulo ng lote. May granada at baril din na narekober mula sa mga suspek. 

Dati nang sangkot ang grupo sa pang-aangkin ng mga property sa Parola Compound, Tondo, ayon kay Chief Insp. Rosalino Ibay, hepe ng District Police Intelligence Operation Unit (DPIOU). 

Nitong Disyembre at Enero, puwersahan aniyang pinasok ng mga suspek ang isang compound para angkinin ito.

Una nang nahuli ng mga pulis ang kasamahan nilang pekeng abugado. 

Tumanggi nang magbigay ng panayam ang mga suspek na nahaharap sa kasong possession of illegal firearms and explosives at falsification of documents. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.