2 'bugaw' tiklo, 3 nasagip sa Cebu

ABS-CBN News

Posted at Apr 08 2018 10:12 AM

Pawang nakayuko sa istasyon ng pulis ang 2 naarestong suspek at 3 nailigtas na biktima matapos ang anti-human trafficking operation sa Lapu-Lapu City. ABS-CBN News

LAPU-LAPU, Cebu - Inaresto ng mga pulis ang 2 itiniturong "bugaw" ng kababaihan habang nasagip ang 3 umano'y biktima nila sa lungsod na ito, Sabado ng gabi.

Una nang nadiskubre ng mga awtoridad na foreigners ang karaniwang kliyente ng mga babaeng suspek na inireklamo ng mga residente sa lugar, ayon kay Chief Inspector Mark Gifter Sucalit, hepe ng Lapu-Lapu police intelligence.

Hindi naman aniya menor de edad ang 3 babaeng biktima na nasagip sa operasyon sa Barangay Gun-ob.

Ang mga naarestong mga bugaw ay kakasuhan ng paglabag ng Anti-Trafficking Act.

Ulat ni Jude Torres, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.