Isang 4 na taong gulang na batang babae ang na-stuck ang kalahati ng katawan sa drainage ng swimming pool sa loob ng 30 minuto bago narescue sa Tagbungan Resort sa bayan ng Baco, Oriental Mindoro. Courtesy: Dhon Calda
Patay ang isang 4 na taong gulang na batang babae matapos na bumara ang katawan sa drainage ng pinapaliguang swimming pool sa isang resort sa bayan ng Baco, Oriental Mindoro nitong Hwebes Santo.
Ayon kay Mayor Allan Roldan, nangyari ang insidente bandang alas12:20 ng tanghali habang naliligo ang bata sa kiddie swimming pool kasama ang kaniyang ina nang mapansin na hndi na lumulutang ang kaniyang anak.
Agad na rumesponde ang mga tauhan ng MDRRMO at PNP na nakatalaga sa resort at nakuha ang bata na itinakbo pa sa Oriental Mindoro Provincial Hospital sa Calapan City pero idineklarang dead on arrival na.
Ayon kay Dhon Stepherson Calda, head ng Oriental Mindoro Provincial Tourism Office, may 30 minuto nang lubog sa tubig ang bata matapos na ma-stuck ang kalahati ng katawan sa drainage ng swimming pool ng Tagbungan Resort.
Bente minuto pa ang itinagal bago na-rescue ang bata dahil kinailangan pang bakbakin ang swimming pool.
Nagpaabot na ng pakikiramay ang local na pamahalaa ng Baco sa pamilya ng biktima.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.