PatrolPH

'Isang beses na lang kumain': Delivery riders nagtitipid dahil sa pagkalugi

ABS-CBN News

Posted at Apr 07 2022 02:30 PM

Watch more News on iWantTFC

Noong kasagsagan ng pandemya, sa mga food delivery rider umasa ang marami dahil sa mga lockdown at iba pang restrictions. 

Ngayon, food delivery riders naman ang hirap kumilos dahil sa taas ng presyo ng gasolina. Bukod pa rito, humina pa ang kanilang kita. 

Maliban kasi sa doble-gastos bunsod ng taas-presyo ng gasolina, kumaunti rin ang kanilang orders nang ibaba ang Metro Manila sa Alert Level 1. 

Binabaan din ng kumpanya nila ang bayad sa kanila kada kilometro na takbo, kaya para maiwasang mabawasan pa ang nangalahati na nilang kita, binawasan na lang nila ang pagkain nila.

“Pahinga, tubig ganon na lang tipid tipid," ani ng rider na si Kevin Lorenzo. 

"Imbis na ikakain ko sa dalawang beses isa na lang minsan bago umalis kakain ako para busog para pag-uwi doon na ako kakain," ayon sa isa pang rider. 

Nanawagan din ang riders na sana paingtingin ng food delivery companies ang paggawa ng accounts dahil hanggang ngayon nabibiktima pa sila ng fake bookings.

Ayon sa rider na si Nauro, nasa 2 hanggang tatlong siya mai-scam sa isang buwan.

Apela niya, kahit nare-refund ang order matapos ang 2-4 araw, malaking aberya pa din ito dahil nasayang pa din gas at oras nila.

"Siyempre abala po talaga sa ganitong trabaho. Puhunan at pagod saka pera kaya pag nafafake book minsan naantalaa trabaho namin," aniya. 

-- Ulat ni Anna Cerezo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.