PatrolPH

Truck nawalan umano ng preno sa Quezon province; 2 patay, 16 sugatan

Dennis Datu, ABS-CBN News

Posted at Apr 07 2021 06:32 PM

Dalawa ang patay habang 16 ang nasugatan matapos mawalan ng preno ang isang truck sa Tayabas City, Quezon province nitong umaga ng Miyerkoles.

Ayon sa imbestigasyon, habang binabagtas ng truck ang pababang kalsada patungo sa city proper, nawalan ito ng preno.

Umabot sa 9 na sasakyan ang sinuyod ng truck, na tumigil lang nang sumalpok na ito sa isang bahay.

Truck nawalan umano ng preno sa Quezon province; 2 patay, 16 sugatan 1
Screengrab mula sa CCTV footage

Nakunan ng CCTV sa insidente ang pagbangga ng truck sa mga kotse at tricycle, at pagtilapon ng mga sugatan.

Naipit sa loob ng truck ang driver na si Jeffrey Ferreras at kasama nitong si Junathan Sumballa.

Itinakbo sila sa ospital pero idineklara ring dead on arrival.

Nasa Tayabas Community Hospital naman ginagamot ang ibang mga sugatan, kung saan kabilang ang isang 12 anyos na bata.

FROM THE ARCHIVES:

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.