PANOORIN: Mga traffic enforcer sa Tagum City, hataw sa sayaw sa trabaho

ABS-CBN News

Posted at Apr 07 2021 01:49 AM

Good vibes sa kalsada ang hatid ng 2 traffic enforcer na todo hataw sa pagsayaw sa Tagum City, Davao del Norte proper nitong Lunes.

Bigay na bigay sa pagsayaw sina Ryan Tanudtanud at Walter Borela sa mga kantang patok sa TikTok.

 

Nakuha sa video ni CJoy Embudo ang mga traffic enforcer at umani ang video ng higit 95,000 views sa Facebook at 2.4 million views sa TikTok.

Ayon kay Embudo, naaliw ang mga tao at mga motorista sa pagsayaw ng mga traffic enforcer at naging maayos rin naman ang pagmando nila sa trapiko.--Ulat ni Hernel Tocmo

MULA SA ARKIBO

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.