Mga sundalo at rebeldeng NPA, nagsagupaan sa Bingawan, Iloilo

ABS-CBN News

Posted at Apr 07 2021 10:12 PM

ILOILO - Nagka-engkuwentro nitong Miyerkoles sa pagitan ng mga sundalo at miyembro umano ng New People's Army (NPA) sa munisipalidad ng Bingawan, Iloilo, kung saan nakumpiska ang mga armas ng rebelde. 

Ayon sa awtoridad, walang naiulat na namatay o nasugatan sa engkwentro.

Nagtagal ng ilang minuto ang palitan ng putok sa pagitan ng Philippine Army at mga rebelde sa Brgy. Alabidhan. 

Nakatakas naman umano ang mga rebelde patungo sa boundary ng Capiz at Iloilo.

Dagdag ng awtoridad, nagpapatrolya sa lugar ang miyembro ng 12 Infantry Battalion ng Philippine Army, nang makasagupa ang nasa 5 miyembro ng mga sinasabi nilang miyembro ng NPA.

Narekober sa pinangyarihan ang 2 homemade shotgun, iba't ibang klase ng bala, mga gamit sa paggawa ng improvised na bomba, at iba pang personal na gamit ng mga rebelde.

- Ulat ni Rolen Escaniel

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.