PatrolPH

Higit kalahati sa COVID-19 cases, mula sa hanay ng manggagawa: DOH

ABS-CBN News

Posted at Apr 07 2021 08:15 PM

Watch more on iWantTFC

Higit kalahati sa kabuuang bilang ng COVID-19 sa bansa ay mula sa hanay ng mga manggagawa.

Base ito sa datos ng Department of Health (DOH), na ipinapakitang may 515,993 sa kabuuang higit 800,000 cases ay may edad 20 hanggang 49 na taon.

"Most of them are workers who go out every day and go home to their loved ones after," sabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Sa kabila nito, karamihan sa mga namamatay sa virus ay nasa edad 50 pataas. 

Sa datos noong Martes, sa 382 deaths, 312 ay may 50 pataas.

Lumalabas naman sa pagbabantay ng OCTA Research Group na patuloy ang pagbaba ng reproduction number.

Sa National Capital Region, nasa 1.43 ang reproduction number habang 1.45 naman para sa buong Pilipinas.

Una nang sinabi ng grupo na hindi porket bumababa ang reproduction number ay bababa na rin ang bilang ng mga kaso kundi bumabagal lang ang pagkalat ng sakit.

 Mag-ingat sa pag-intindi sa reproduction number

Maging ang Department of Health ay nagsabing dapat maging maingat sa pag-intindi sa reproduction number.

"Sana hindi ma-interpret ng ating mga kababayan that we are already having this decline in the number of cases. We have to remember that our number of cases also are reliant on the submission of our labs, and we have mentioned to you already that some of our laboratories did not operate last week," ani Vergeire.

Ayon kay ABS-CBN Data Analytics head Edson Guido, maaaring ang nakikitang numero bunsod ng mababang testing ay hindi lubusang ipinapakita ang totoong bilang sa mga komunidad.

"Every time na mababa 'yong testing natin, we have to be cautious in interpreting the numbers dahil nandoon talaga 'yong possibility na mas mababa rin 'yong positive cases na makukuha natin 'pag mas mababa 'yong test. So it might not be reflective of what’s really happening on the ground," ani Guido.

Sa kabila nito, sinabi ng DOH na patuloy nilang paakyatin ang testing capacity ng bansa.

Bukod sa nasopharyngeal at oropharyngeal RT-PCR test at antigen test, kasama na rin ang saliva RT-PCR test sa mga puwedeng isagawa sa mga laboratoryo basta nakapag-training mula sa mga sertipikado ang magsasagawa nito.

Kapag tumaas ang testing capacity, posible naman daw bumaba ang positivity rate.

"Since we already have widespread community transmission we would like to detect, to test as much people as possible. Because we know the risk is very high," ani Vergeire.

– Ulat ni Raphael Bosano, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.