Pagtatanim habang naka-quarantine isinusulong sa Pampanga

ABS-CBN News

Posted at Apr 07 2020 06:05 PM

CANDABA, Pampanga — Walang inaksayang panahon ang mga barangay officials at local farmers sa bayan na ito dahil abala sila sa pagtatanim sa gitna ng Luzon lockdown bunsod ng COVID-19. 

Ang mga magsasaka, nagtanim ng talong sa gilid ng patubig ng Barangay Pansinao. 

Paraan daw nila ito para masigurong sapat ang suplay ng pagkain sa mga susunod na linggo lalo't pinalawig hanggang Abril 30 ang enhanced community quarantine sa Luzon. 

"Sa mga ganitong pagkakataon kahit may quarantine man o hindi eh meron po tayong mga mahuhugot o maha-harvest na mga tanim that would tide us over sa ganitong mga kagipitan," ani Jun Canlas, board member. 

Dagdag niya, naniniwala siyang dapat handa lagi ang munisipalidad na magbigay ng binhi sa mga nais magtanim sa bayan. 

"I believe po na lahat ng mga munisipyo ay dapat meron pong nakahandang mga seedlings, mga pananim na kanila pong ibibigay sa kanilang mga nasasakupan."

Samantala, umarangkada na rin ang mobile palengke concept ng agribusiness and marketing division ng Department of Agriculture.

Tampok dito ang mga dekalidad, ligtas, at abot-kayang mga agri-products tulad ng kamote, sibuyas, itlog, bigas, processed marine products, at maging fried itik.

—Ulat ni Gracie Rutao, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.