Ospital sa Iloilo City nais ipadagdag ng alkalde bilang COVID-19 testing center

ABS-CBN News

Posted at Apr 07 2020 03:10 AM

Isang ospital sa Iloilo City ang nais ng alkalde nitong tanggapin bilang karagdagang coronavirus disease 2019 (COVID-19) testing center sa bansa matapos niyang magpadala ng sulat sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) nitong Sabado. 

Personal na nagpadala ng sulat si Mayor Jerry Trenas kay Dr. Celia Carlos ng RITM para hingin na ma-accredit ang West Visayas State Univeristy Medical Center (WVSUMC).

Sa ngayon, nasa stage 1 pa lang ang laboratory accreditation ng naturang ospital.

Ayon sa alkalde, kung magiging stage 5 o full scale ang implementation ng laboratory ng WVSUMC, malaki ang maitutulong nito sa planong mass testing sa Western Visayas.

"We have to be push again for more pcrs and we have to push for more accredited med tech," ani Trenas.

Sa ngayon, Western Visayas Medical Center ang full pledged center sa Region 6.-May ulat ni Regi Adosto, ABS-CBN News