Lalaki timbog matapos halayin umano ang stepdaughter sa Bacolod

Nico Delfin, ABS-CBN News

Posted at Apr 07 2020 11:33 PM

Isang 27-anyos na lalaki ang hinuli matapos umanong gahasain ang stepdaughter niya sa Bacolod City Martes ng madaling araw.

Ayon sa pulisya, nangyari ang insidente habang natutulog ang lola at pinsan ng biktima sa kanilang bahay.

Sinabi ng biktima sa mga pulis na pinagbantaan siya ng suspek na papatayin ang kanyang nanay sakaling siya ay magsumbong.

Tumakas ang suspek sa Bago City matapos niyang halayin ang menor de edad na biktima, pero nahuli din siya ng mga awtoridad.

Tumanggi ang suspek sa mga paratang.

Haharap siya sa kasong rape in relation to Republic Act 7610 o ang special protection of children against child abuse, exploitation and discrimination act.