Dating bise alkalde ng Tipo-Tipo, patay sa pamamaril sa Basilan

Leizel Lacastesantos, ABS-CBN News

Posted at Apr 07 2020 11:27 PM

Patay sa pamamaril sa Isabela, Basilan ang dating vice mayor ng bayan ng Tipo-Tipo nitong Martes ng gabi.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, pauwi na ng bahay si Mussidik Mande nang pagbabarilin siya sa Barangay Sumagdang pasado alas sais ng gabi.

Nagtamo si Mande ng sugat sa iba't ibang bahagi ng kaniyang katawan na kaniyang ikinamatay.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga pulis para sa pagkakakilanlan ng mga salarin at ang kanilang motibo.

Nangyari ang pamamaril habang nasa ilalim ng general community quarantine ang Isabela, Basilan dahil sa banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.